Bilyaran

Posted: Oktubre 15, 2010 in Uncategorized
Mga kataga, , , ,


Umuwi akong talunan ng gabing iyon ng may maliwanag na isip. Sising sisi- ngunit masaya- na kung bakit pa ako naglaro ng bilyar gayung pauwi na ko. Nagkaroon ako ng kalaban na isang lalaking mapanga, morena at may malaking katawan. Mas matanda siya sa akin pero tiwala akong mananalo. Medyo may kayabangan din kasi ako lalo na’t hindi siya kilala sa bilyaran na iyon ni aling kesha na aking pinaglalaruan.

May ilang oras na din akong nasayang sa paglalaro at naipanalo ko naman ang karamihan. Tiwala ako sa aking sarili sa mga oras na iyon. Sa isip ko ay masaya akong uuwi dahil konti lang ang aking talo. Masayang di ako uuwing luhaan at taas noo. Alam kong laro lamang iyon ngunit ako’y seryoso. Ayokong matalo sa baguhan.

Sa umpisa ng aming laro ay sinubukan ko siyang kilalanin. Pinuna ko ang kanyang pisikal na itsura. Ang  kanyang mukha, kulay ng balat, ayos ng buhok. Ninais kong subukin ang haba ng kanyang pasensiya. Ginagalit ko siya sa pamamagitan ng aking mga salita. Pamumuna at paninira ng loob ang laman ng aking bawat salita.

Sinargo ko ang mesa ng walang pag-aalinlangan. May naihulog akong bola kaya ako ulit ang titira. Akin ang mga bolang may guhit, kaniya naman ang mga mga buo ang kulay. Sinubukan kong ihulog ang pangalawa kong bola. “IYON!”, sigaw ako sa sobrang tuwa. “Kung kasing laki ng butas ng ilong mo ang mga butas ditto siguradong ubos agad ang bola”, idinagdag ko pa. Sa sinabi kong iyon ay wala man lang akong nakita na reaksyon sa kanya. Nakatingin lang siya sa mesa habang nakikinig. Sinubukan ko ulit na ihulog sa butas ang pangatlo kong bola, hindi nahulog siya na ang titira. Habang tumitira siya ay binabanggit ko ang lahat ng puna ko sa kanya. Naihulog na nya ang kanyang unang bola. Pinakitaan niya ako ng kanyang taktika. Naihulog na niya ang kanyang pangalawang bola. Sumunod ang pangatlo, pang-apat na bola. Alam ko naman na naging salbahe ako sa mga sinabi ko pero isport lang siya. Habang tumatagal naging magaan ang loob ko sa kanya. Dahil na rin siguro iyon sa pang-aasar ko sa kanya na hindi naman niya pinapansin. Nakita kong mahaba ang kanyang pasensiya, kalmado, at mabait siya.

Ako na ulit ang titira. Nakailang tira na rin ako noon ngunit puro sablay marahil ako ang nalasing sa mga pinagsasabi ko. Nakita ko ang pokus nya sa paglalaro. Tinira ko ang bolang nakikita kong madaling maihulog. Sa kamalas-malasan hindi ko iyon naihulog. At sa puntong iyon nagsalita siya at nag-iwan sa akin ng isang aral. Ipinamalas nya sa akin ang sikreto ng kanyang buhay. Sinabi niya, “Kung hindi mo susubukan hindi ka din magtatagumpay”. Ito ang salitang tumatak sa aking isip. Ako na laging takot sumubok at ayaw matalo. Ako na ayaw sumubok. May punto siya sa sinabi niya at nagising ako sa katotohanan na hindi ako magtatagumpay. Matapos ang mga sinabi niyang iyon naihulog na niya ang kanyang ikapitong bola.

Natalo ako sa larong iyon. Nakatingala sa mga bituin habang naglalakad. Umuwing talo ngunit masaya.  Bawi-bawi lang pero nagpapasalamat na rin. Dahil sa larong ibinahagi sa akin ng taong iyon, natuto akong sumubok. Sumubok na maihulog ang tamang bola sa mga butas ng bilyard. Sumubok na magtagumpay sa buhay katulad sa larong iyon. Dahil sa buhay na ito, walang mangyayari kung hindi ka kikilos.

Advertisements
Mga puna
  1. jason ay nagsasabing:

    potek. baka eto yung kalaban mo sa fb na tinatawanan naten. yung nakahubo. lol

  2. […] machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. stilssdd. bonistation. ryanjay. […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s