Umuwi akong talunan ng gabing iyon ng may maliwanag na isip. Sising sisi- ngunit masaya- na kung bakit pa ako naglaro ng bilyar gayung pauwi na ko. Nagkaroon ako ng kalaban na isang lalaking mapanga, morena at may malaking katawan. Mas matanda siya sa akin pero tiwala akong mananalo. Medyo may kayabangan din kasi ako lalo na’t hindi siya kilala sa bilyaran na iyon ni aling kesha na aking pinaglalaruan.

May ilang oras na din akong nasayang sa paglalaro at naipanalo ko naman ang karamihan. Tiwala ako sa aking sarili sa mga oras na iyon. Sa isip ko ay masaya akong uuwi dahil konti lang ang aking talo. Masayang di ako uuwing luhaan at taas noo. Alam kong laro lamang iyon ngunit ako’y seryoso. Ayokong matalo sa baguhan.

Sa umpisa ng aming laro ay sinubukan ko siyang kilalanin. Pinuna ko ang kanyang pisikal na itsura. Ang  kanyang mukha, kulay ng balat, ayos ng buhok. Ninais kong subukin ang haba ng kanyang pasensiya. Ginagalit ko siya sa pamamagitan ng aking mga salita. Pamumuna at paninira ng loob ang laman ng aking bawat salita.

Sinargo ko ang mesa ng walang pag-aalinlangan. May naihulog akong bola kaya ako ulit ang titira. Akin ang mga bolang may guhit, kaniya naman ang mga mga buo ang kulay. Sinubukan kong ihulog ang pangalawa kong bola. “IYON!”, sigaw ako sa sobrang tuwa. “Kung kasing laki ng butas ng ilong mo ang mga butas ditto siguradong ubos agad ang bola”, idinagdag ko pa. Sa sinabi kong iyon ay wala man lang akong nakita na reaksyon sa kanya. Nakatingin lang siya sa mesa habang nakikinig. Sinubukan ko ulit na ihulog sa butas ang pangatlo kong bola, hindi nahulog siya na ang titira. Habang tumitira siya ay binabanggit ko ang lahat ng puna ko sa kanya. Naihulog na nya ang kanyang unang bola. Pinakitaan niya ako ng kanyang taktika. Naihulog na niya ang kanyang pangalawang bola. Sumunod ang pangatlo, pang-apat na bola. Alam ko naman na naging salbahe ako sa mga sinabi ko pero isport lang siya. Habang tumatagal naging magaan ang loob ko sa kanya. Dahil na rin siguro iyon sa pang-aasar ko sa kanya na hindi naman niya pinapansin. Nakita kong mahaba ang kanyang pasensiya, kalmado, at mabait siya.

Ako na ulit ang titira. Nakailang tira na rin ako noon ngunit puro sablay marahil ako ang nalasing sa mga pinagsasabi ko. Nakita ko ang pokus nya sa paglalaro. Tinira ko ang bolang nakikita kong madaling maihulog. Sa kamalas-malasan hindi ko iyon naihulog. At sa puntong iyon nagsalita siya at nag-iwan sa akin ng isang aral. Ipinamalas nya sa akin ang sikreto ng kanyang buhay. Sinabi niya, “Kung hindi mo susubukan hindi ka din magtatagumpay”. Ito ang salitang tumatak sa aking isip. Ako na laging takot sumubok at ayaw matalo. Ako na ayaw sumubok. May punto siya sa sinabi niya at nagising ako sa katotohanan na hindi ako magtatagumpay. Matapos ang mga sinabi niyang iyon naihulog na niya ang kanyang ikapitong bola.

Natalo ako sa larong iyon. Nakatingala sa mga bituin habang naglalakad. Umuwing talo ngunit masaya.  Bawi-bawi lang pero nagpapasalamat na rin. Dahil sa larong ibinahagi sa akin ng taong iyon, natuto akong sumubok. Sumubok na maihulog ang tamang bola sa mga butas ng bilyard. Sumubok na magtagumpay sa buhay katulad sa larong iyon. Dahil sa buhay na ito, walang mangyayari kung hindi ka kikilos.

Basura

Aking iniisip kung saan nagmula

Itong basura na hindi na magkasya

Sa ilog, sa  kalsada, pati sa lawa

Paroo’t parito hindi na nagsawa

Ilang tonelada na ba ang nakuha

Sa pamamasada ng trak ng basura

Hindi maarok na maitim na usok

Ang pumalibot sa ating sansinukob.

Hangin

Malinis na hangin yumakap sa akin

Dampi na malambing ako’y inaaliw

Awiting bumalot sa buong bukirin

Kay sarap pakinggan, kay sarap langhapin

Luntiang parang mayaman sa halaman

Dulo’t ay kaligayahan kanino man

Mga ibon sa amin nag-aawitan

Kay sarap pakinggan, kay sarap pagmasdan

Ang hangin sa amin masarap namnamin

Sadyang malinis at walang bahid dungis

Ako’y tumitig sa bughaw na langit

Salamat Ama sa lubos na pag-ibig.

Halaman

Mayroon akong halaman

Nagmula sa kaibigan

Ibiniling alagaan

At huwag pababayaan

Ito’y may dahon na berde

May maliliit na sanga

Nasa lalagyan na bote

At katawan na bata pa

Sa panahon ng tag-ulan

Sa tindi ni haring araw

Sa hangin na pagkalakas

Karamay ako tuwina

At pagsapit ng tag-sibol

Anong mangha sa pagbuka

Bulaklak na kulay pula

Ako’y lubhang pinagpala


Halaman sa Eco

Posted: Setyembre 15, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , ,

“The best day to plant trees is 20 years ago. The second best is Now.”
A quote printed in an image of trees in La Mesa Eco Park.

The best souvenir I bought from La Mesa Eco Park is this plant.

August 30, 2010

Greener Earth.

Uban-dub. Puting buhok?

Posted: Setyembre 14, 2010 in malikot na FYI
Tags: , ,

bata matanda may ngipin o wala
maputi negra o timawa
alam kong may buhok ka.

sa ulo, sa paa
sa ilalim ng ilong, sa baba
Puting buhok ayan kitang-kita

Kapag may puting buhok ang karaniwang tanong ay “ilan?”, bawal ba itong bunutin dahil dadami? Paano mababawasan ang pagdami nito?

Bawal bang bunutin dahil dadami?
Ang sagot ay HINDI, ang pagtanggal ng puting buhok ay hindi nagpapadami nito. Ang isang hair follicle ng ay maarin lamang mag-produce ng isang buhok kaya hindi yan magiging dalawa o tatlo pa pag muling tumubo. Ang tanging magiging epekto ng pagbunot ng buhok ay ang pagnipis nito. At kapag manipis na ang buhok mo at marami ka nang puting buhok dapat magpakulay ka na lang ng buhok.

Paano mababawasan ang pagdami nito?
Ang pagputi ng buhok ay dahil sa kawalan ng kulay o melanin. Ang melanin ang nagbibigay ng kulay sa buhok at balat na ginagawa ng ating katawan mula sa mga protina mula sa ating mga kinakain. Ang mga pagkaing mayaman sa protina ay karne, isda, gatas, itlog , tinapay , pasta, noodles, at kanin.

Pero kung albino ka kahit gaanong karaming karne, isda, at itlog ang kainin mo ay hindi iitim ang balat at buhok mo. Ang produksyon ng melanin sa katawan ay kontrolado pa rin ng genes. Kung nasa lahi nyo ang pagkakaroon agad ng puting buhok, mas mabuti pa nga kung magpakulay ka na lang.

Truly yours,

Dr. W

Halloween Muna

Posted: Setyembre 13, 2010 in malikot na pag-guhit
Tags: , , , , , ,

Bago ang pasko sa Disyembre, dadaan muna tayo sa nakakatakot na buwan ng Nobyembre. Nakakatakot kasi takot ako. Nakaisip ako ng magandang paraan para maiba ang aura sa paglapit ng buwan na ito.

eto ang imagination! Karaniwan nang ginagamit na costume for halloween ang witch, vampire, si spider man, si batman , si tigger at iba pa. Kaya naman gumuhit ako ng sarili kong damit yung tipong unique pero pwede na rin maging mukhang super hero.

<- – – – – – –        Ito ang Imagination!

Mukha na bang kakaiba ang custome ko? nakakatakot ba? super hero kaya?

Siyempre hindi,  pero sa ganyan nag-uumpisa ang lahat.

version 1.0

Ang takot ay mahahalintulad sa masamang bisyo na habang ginagawa, lalong napapasama.

Palagay ko ay di na mawawala ang takot ko sa mga multo. Gagawin ko na lang Fish theme ang bahay namin para mawala sa isip ko ang tungkol sa kanila. Mahirap mabuhay sa takot.



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Fish Fash

Photobucket

Hello world!

Posted: Hunyo 11, 2009 in Uncategorized

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!