Basura
Aking iniisip kung saan nagmula
Itong basura na hindi na magkasya
Sa ilog, sa kalsada, pati sa lawa
Paroo’t parito hindi na nagsawa
Ilang tonelada na ba ang nakuha
Sa pamamasada ng trak ng basura
Hindi maarok na maitim na usok
Ang pumalibot sa ating sansinukob.
Hangin
Malinis na hangin yumakap sa akin
Dampi na malambing ako’y inaaliw
Awiting bumalot sa buong bukirin
Kay sarap pakinggan, kay sarap langhapin
Luntiang parang mayaman sa halaman
Dulo’t ay kaligayahan kanino man
Mga ibon sa amin nag-aawitan
Kay sarap pakinggan, kay sarap pagmasdan
Ang hangin sa amin masarap namnamin
Sadyang malinis at walang bahid dungis
Ako’y tumitig sa bughaw na langit
Salamat Ama sa lubos na pag-ibig.
Halaman
Mayroon akong halaman
Nagmula sa kaibigan
Ibiniling alagaan
At huwag pababayaan
Ito’y may dahon na berde
May maliliit na sanga
Nasa lalagyan na bote
At katawan na bata pa
Sa panahon ng tag-ulan
Sa tindi ni haring araw
Sa hangin na pagkalakas
Karamay ako tuwina
At pagsapit ng tag-sibol
Anong mangha sa pagbuka
Bulaklak na kulay pula
Ako’y lubhang pinagpala






napadaan lang po at nakibasa.
maiikling tula pero malinaw na malinaw ang nais ipakahulugan.
salamat sa iyong pagdaan, duking..
balik ka ulit